Events


PAGDALAW NG MAHAL NA POONG HESUS NAZARENO

SA PAROKYA NI SAN NICOLAS DE TOLENTINO

San Nicolas, Gapan City

November 6-10, 2024


Pagbati!

Ang Poong Nazareno ay darating sa November 6-10, 2024. Ito ay mapagpalang mga araw sa atin. Panahon ito para magpasalamat at bigyang papuri si Hesus! Madami din ang mga taga-ibang lugar ang pumupunta sa ating simbahan. Marapat na gawin natin maayos, kaaya-aya at safe sa mga deboto. Sa araw po ay may na-assign ako na mga organisasyon para magtanod at magdasal sa imahen. Tayo po ay magtulungan. Ito po ang aking mga paalaala:

1. Panatilihin po natin ang diwa ng pananalangin at katahimikan. Magsimula po ito sa atin mismo sa mga parishoners. Maganda na matulungan natin ang bawat isa ang tunay na enkwentro sa Poong Nazareno.

2. Makipag-ugnayan kay Sis. Sol para sa mga nais sumundo at maghatid ng Nazareno sa Quiapo.

3. Tingnan po natin at basahin mabuti ang schedule kalakip ng liham na ito.

4. Ang mga BPC ang sponsors sa mga misa (makikita sa schedule). Kayo na din po ang magwelcome sa paring bisita (maaari mag-assign sa magsalubong sa kumbento) magmimisa at magpasalamat (after communion). Maganda din po na ang BPC ay maghanda ng pabaon sa bisitang pari magmimisa.

5. May talaan po ng oras para sa pagtatanod sa bawat organisasyon. Ang mga coordinator ng bawat grupo ay paalalahan ang kasama sa oras ng kanilang pagnobena at pagbantay.

6. Sa mga leaders natin sa mga organisasyon ay tatlong (3) oras ang binigay sa inyo kaya’t aking suhestyon na tatlo (3) grupo ang magdadasal o magpapalitan sa inyong time slot (1 hour per group). Kayo na din po ang magdala ng inyong sariling inumin at pamatid gutom. Sa aking karanasan po ay madami pa din ang nagkukuwentuhan kaya po mainam na sa gilid ng simbahan (MCST convent side) ang kainan at lugar para makapahinga.

7. Iwasan po natin ang labis na pagkuha ng litrato. Ito din po ay nakakasira ng diwa ng pananalangin. Ingatan din natin ang ating mga personal na kagamitan.

8. Limitahan ang mga magtitinda sa loob ng ating parking area gayuin din mga nagtitinda ng kandila. Ang mungkahi ng rector ng Quiapo ay makipag-ugnayan sa kanila at sila ay hindi konektado sa mga vendors.

9. Kanya din binigyan ng diin na ang Nazareno (kaya din pinapadalaw sa mga diyosesis) ay higit sa lahat para sa mahihirap, huwag bigyan ng impresyon ang mga tao na ito ay para sa mga pili at iilang tao lamang.

10.  Sa paghatid natin sa Nazareno sa huling araw (Nov. 10) mangyari po na magpadala tayo ng ilang pabaon o munti regalo sa mga hijos at bigas, etc. para sa mga pari ng Quiapo. Di po sila allowed sa cash gift.

 

Pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Nazareno!

 

 

Ang Inyong Likod Kay Kristo Hesus,

Rev. Fr. Dan Derrick E. Embuscado

Kura Paroko



Click ito for more details